PUMANAW nitong Linggo ang batikang nobelista na si Lualhati Bautista. Siya ay 77 anyos.
Kinumpirma ng kanyang mga kaanak ang pagpanaw ni Bautista sa isang Facebook post.
“Sad News for our Torres Clan, Our first cousin Lualhati Bautista died at 77 yrs old this morning,” pahayag ng post.
Nakilala si Bautista bilang awtor ng “Dekada ’70”, “Bata, Bata Pa’no Ka Ginawa” at “Gapo” na pare-parehong isinalin din sa pelikula.
Siya rin ang sumulat ng screenplay para sa pelikulang “Bulaklak sa City Jail,” na pinagbidahan ng Superstar na si Nora Aunor na nagpanalo rin sa kanya bilang best story at at best screenplay sa 1984 Metro Manila Film Festival.
Isa ring kilalang aktibista si Bautista na nagsusulong ng mga karapatan ng mga kababaihan.