BIDA sa isang art exhibiti sa California, USA ang bayaning si Lapu-Lapu.
Ang mga likhang sining na naka-display ngayong buwan sa Philippine Consulate Office ay gawa ng tanyag na pintor mula Angono, Rizal na si Nemi Miranda.
Para kay Miranda, si Lapu-Lapu, na nanindigan sa pananakop ng mga dayuhang Español sa pangunguna ng Portuguese na si Ferdinand Magellan noong 1521 ay tao lang din ngunit may paninindigan.
Samantala, inimbitahan ni Philippine Consul General Edgar Badajos ang iba pang mga Pinoy na pintor na magpakita ng kanilang obra maestra sa konsulado.
“If you are also interested, if you would like to display your artworks here at the Philippine Consulate, you are more than welcome to partner with us,” sabi ni Badajos.