Amatz’ ni Shanty Dope pasok sa Top 10 ng Billboard World Digital Song Sales chart

NAG-DEBUT sa top 10 ng World Digital Song Sales chart ng Billboard ngayong linggo ang kontrobersyal na “Amatz” ng Pinoy rapper na si Shanti Dope.


Kasabay ng “Amatz” na pumasok sa top 10 ang “Film Out” ng BTS, “Spider” ni Hoshi, at “Tomorrow” ni Chanyeol.


Kamakailan lang ay na-feature ang kanta ni Shanti Dope sa episode ng US TV series na “Falcon and the Winter Soldier.”


Matatandaan din na pumutok ang “Amatz” nang ipa-ban ito ng Philippine Drug Enforcement Agency dahil nag-uudyok umano ito ng paggamit ng marijuana.