Ion Perez kay Vice Ganda: Happy birthday, I love you sooo muccch!

IPINAGSIGAWAN ni Ion Perez sa madlang pipol kung gaano niya kamahal ang kasintahan niyang si Vice Ganda na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Sa Instagram, ipinost ni Perez ang larawan ni Vice na naka-bathing suit habang sakay ng yate. “O ayan ha ang balak mong mag swimsuit uunahan na kita diba sexy ni Vakla! Anyway eto na ang matagal niyong hinihintay aaminin kuna sa inyong lahat nasi TUTOY at si NUNOY (palayaw ni Vice) in RELATIONSHIPS na! Akala nyo diyan ha…. happy birthday tuy! I love you sooo mucccch!,” caption ni Perez.

Seryoso naman ang sumunod niyang banat: “Sa bawat umagang dumidilat ang mga mata ko na ikaw ang unang nasisilayan walang pagsisi na ikaw ang aking lubos na minahal at mamahalin pa! Lagi kong sinasabi sayo hanggat kaya kong ingatan ang puso mo iingatan ko hanggang sa huli mahal na mahal kita tuy.”

Nag-post din ng video nilang dalawa ni Vice si Ion na may caption na “Basta mahal kita sagaaaad!”