Palasyo hugas-kamay sa ‘Duterte Pa Rin Movement’

ITINANGGI ng Palasyo na ito ang nasa likod ng “Duterte Pa Rin Movement” na hinihikayat si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbong pangulo sa 2022.


Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, wala kinalaman ang Malacañang sa pagbuo ng nasabing grupo dahil hindi na konektado sa gobyerno ang bumuo nito.


Pinamumunuan ni Bonito Padilla, dating undersecretary ng Presidential Communications Operations Office, ang Duterte Pa Rin Movement.


“Unang-una po, dating opisyales po iyan ng PCOO. Ibig sabihin, pribadong indibidwal na po siya. Wala pong kinalaman diyan ang Malacañang bagamat nirirespeto namin ang paninindigan ng marami nating kababayan na dapat na maging susunod na presidente si Mayor Sara Duterte,” giit pa ni Roque. –WC