Nakapila sa ayuda sinuwag ng trak; 9 sugatan

SUGATAN ang siyam na katao na kukuha ng ayuda sa city hall ng San Jose del Monte, Bulacan makaraang salpukin ng dump truck kahapon ng umaga.

Lima sa mga biktima ay nasa kritikal na kondisyon habang ang iba ay nagtamo lamang ng minor injuries.

Kinilala ang lima na sina Rolito Navarro, Mario dela Rosa, Analyn Tomooc, Mary Rose Espacio, at Cecilia de Ramo.

Iniulat ng pulisya na nawalan ng kontrol ang driver ng truck dahil inatake ito sa puso.

Nadala pa ang driver na si Herminio Verona sa ospital pero hindi na naisalba ng mga doktor ang kanyang buhay.

Naganap ang insidente alas-7:40 ng umaga habang hinihintay ng mga biktima ang financial assistance mula sa lokal na pamahalaan.